My Autobiography

I’m John Loyd T. Lazaro I was born into the world on a normal Tuesday morning in June 13, 2006, just a normal day in San Mariano, Isabela. My mother often tells me that I was always crying and eating. We also had a dog named Doggie; sinasabi ng Papa ko na tinatabihan daw ako ni Doggie kapag natutulog saka siya daw yung kasama kong lumaki hanggang sa nagkamalay ako. I grew up in a lively, and peaceful barangay kung saan magkakahiwalay pa ang mga bahay noon. My earliest memories are blurred because I forgot some of those first four years of my life. Lagi ako kila lola ko dahil nag-abroad si mama noong wala pa akong malay. Dun ako kila lola laging nakatira at laging pinapalo sa sobrang kakulitan ko. Nag-kinder ako noon sa Dipusu at ang teacher ko ay ang tita ko, kaya lang wala akong masyadong naalala noon.
Noong 2011 at five years old nako, nag-aral ako sa Palutan noong Grade 1. Hindi ko pa alam noon mag-sulat at sinasabi ng tita ko na hirap daw akong turuan. Nag-Grade 2 ako sa Dipusu kasi walang magbabantay sa akin sa Palutan, at duon ako nagkaroon ng crush! Naalala ko din na crush niya din ako kaya naghahabulan kami noon. Lagi ko ring kasama yung pinsan ko at kaibigan na naglalaro ng kotse-kotsehan sa lupaan. Noong Grade 3 sa Dipusu pa rin ako, at dito ako umiyak nang todo kasi habang nakikipaglaro ay naiuntog ko ang ulo ko at dumugo ito. Noong Grade 4 naman, bumalik ako sa Palutan at may sinapak akong kaklase dahil niloko niya ang pinsan ko. Nanatili ako sa Palutan noong Grade 5, hanggang sa nag-Grade 6 ako sa Daragutan kung saan ako nagtapos ng elementarya.
Pagtapak ko ng Grade 7 sa Daragutan pa rin ako, at madami akong nakilala na mga kaibigan ko hanggang ngayon. Dito ako nanibago kumpara sa elementary, at dito rin nagsimula ang aking perfect attendance. Noong Grade 8 at 9 naman nagsimula ang magagandang alaala: nag-cutting, nagpapagalit ng teacher, at natutulog kapag discussions. Dito ko rin unang nasubukang makatabi ang crush ko! Pagkatapos ay nagsimula ang pandemic era—puro module at online class. Late ako lagi magpass kaya pinatawag ako, pero laging kasama ang tropa para mag-ilog kada hapon, gumala, at magpuyat. Ginamit na gamit din namin ang Brainly para kumuha ng mga sagot sa modules! Noong Grade 10 naman, Electric ang pinili ko sa TLE at unti-unti nang naibalik ang face-to-face classes. Na-inlove din ako sa panonood ng anime at paglalaro ng Call of Duty Mobile at Mobile Legends gabi-gabi.
Pagdating ng Senior High School, GAS ang pinili kong strand dahil ito lang ang meron. Noong Grade 11, nagka-jowa ako ng tatlong buwan pagkatapos ng dalawang buwang ligawan bago kami naghiwalay. Dito rin nagsimula ang hirap ng pag-aaral dahil sa research kung saan naging leader ako at gabi-gabi napupuyat para sa aming defense. First time ko ring makaranas ng prom night na labis kong na-enjoy kasama ang tropa. Ang pinakamasaya, first time ko ring maging with honor noong Grade 11! Noong Grade 12, mas lalong nahirapan sa Business subject kung saan nagbenta kami at nag-compute ng puhunan at kita. Dito ko nahanap ang pangalawa kong girlfriend na isinayaw ko pa noong prom night. Kahit dalawa lang kami ng kasama kong leader ang nagtapos ng Chapter 1-5 ng research, naitawid namin ito. Nag-immersion kami ng 2 weeks sa Local Government Unit (LGU) ng San Mariano. Noong graduation, sobrang saya ko dahil nakapagtapos ako bilang with honor na may average na 92%, at nagbakasyon kami ng pamilya ko sa Baguio.
Sa kolehiyo, pinili ko ang IT (Information Technology) kasi gusto kong pumasok sa isang game company sa hinaharap. Nakilala ko ang apat kong kaibigan na nagpasaya lalo ng aking college life. Noong una wala akong alam sa coding at umaasa lang sa turo nila. Dito na rin kami naghiwalay ng pangalawa kong girlfriend. First time ko ring makipag-sleepover sa malayang tropa para lang taposin ang simple parking system project namin kay Angelo. Sobrang saya ko nang malamang regular second year nako! Ngayong second year, dito ko na feel ang pressure ng programming, pero unti-unti na akong natututong mag-code. Nangangamba ako noon sa App Dev subject pero laking tuwa ko nang malaman kong pasado ako. Nandito ako ngayon nag-aaral ng mid-year at isinusulat ang homework na ito. Sa buhay kung may problema, lakad lang hanggang ang problema ay di na makahabol. Yun lamang at salamat sa pakikinig!

All Rights Reserved. © 2026 | tobitlazaro.online


Recent Comments